Thursday, August 19, 2010

Kalituhan..Ano bang dapat gawin?

Bakit kung kailan nagmamahal ka ng tapat, saka mo mararamdaman na ang lahat ay di sapat?

Bakit ba sa tuwing nagmamahal ang tao, may mga bagay na ang hirap mahagilap? Maraming mga bagay ang hirap intindihin kung bakit ba nagaganap. Parang ang lahat ay pawang pagpapanggap.

Nagmamahal ka ng tapat subalit ang masaklap lahat ay pawang hindi sapat.

Hanggang kailan ba natin kayang isakripisyo ang lahat para mag-antay at umasa sa tao na ating pinakamamahal na walang kasiguruhan, nasabi ng aking kaibigan, “mas mainam pa na kakaunti ang iyong nalalaman para di ganun kasakit pag iyong maramdaman”, subalit di naman siguro masama na kilalanin mo mabuti ang tao na iyong minamahal, minsan napapadaig tayo sa mga bagay na ating nakikita, napapadaig tayo sa mga emosyon na ating nadarama, gayunpaman ang mga bagay na iyon ay saklaw ng ating pagkatao, ang mga bagay na iyon ay paraan lamang upang tayo ay matuto.

Sadyang napakahirap isipin, mahirap unawain, masaklap na damhin ang mga bagay na sa sarili mo alam mo na wala kang kasiguruhan. Marami kang katanungan sa kanya, ,may mga bagay ka na gusto mong alamin, tuklasin, alalahanin, gawin, at lapatan ng anumang solusyon, pero sa kabila ng lahat pilit parin siyang umiiwas na pagusapan ang mga bagay na iyon. Di mo alam kung saan ka lulugar, di mo naman ninais na masaktan, pero paulit ulit pa ring nangyayari ang mga isyu na inyong pinagaawayan.

May mga oras na gusto mo na mag-give up, may mga panahon na gusto mo na manahimik na lang, may mga sandali na mauupo ka na lang sa isang tabi at tatanungin ang iyong sarili na “Kaya ko pa ba?”, at di mo na lang mapapansin at iyo na lang madarama ang patuloy na pag-agos ng luha mula sa iyong mga mata. Masakit, mahirap, masaklap, at puno ng hinagpis ang puso mo dahil sa mga bagay na gumugulo sa isipan mo.

Sa bawat pagtangis na iyong nadarama ‘di mo inaasan na may mga tao na darating sa buhay mo na lalapat sa mga bagay na iyong ninanais. Magbibigay sigla, saya, tuwa, pag-asa at kulay sa buhay mo. Hindi mo sinasadya mahuhulog ang loob mo, at sa sandaling iyon ay makakalimot ka sa hinagpis na nakabuntot na sa buhay mo. Pero sa kabila nito, dito ka makararamdam na “KALITUHAN” at muli mong tatanungin ang iyong sarili, “ANO BA ANG DAPAT KONG GAWIN?”. Magpatuloy na mahalin ang tao na napaparamdam sa iyo ng kalungkutan na alam mo sa sarili mo na Mahal na mahal mo siya?. o Matutuhang mahalin ang tao na nagbigay sa iyo ng saya, sigla, at pag-asa?..

Mahirap timbangin ang mga bagay na gumugulo sa ating isipan. Humingi ka man ng payo galing sa iyong mga kaibigan, bakit sadyang kay hirap lapatan ng solusyon ng may katiyakan. Mata ang nakakakita, tenga ang nakadirinig ng mga bagay, pero puso pa din ang nakadarama, mahirap magdesisyon ng mga bagay na alam mo sa huli ikaw din ang talo.

Pang unawa, tiwala, pananalig, at tunay na pagmamahal ang sapat na dahilan para patuloy na umasa. Marahil inilaan ka ng Diyos sa oras na ito na masaktan, tumangis, malungkot, magdusa, at patuloy na lumuha, subalit, darating din ang panahon para iyong tamasain ang saya, sigla, makabuluhang at makulay na buhay. Darating din ang tamang oras na makasama ang tao na karapat dapat sa iyo na iyong makakasama sa hirap at ginhawa.

“When you are made to choose between two persons, don’t just think of what you’ll get when you pick one, but think of what you’ll lose when you don’t choose the other..”

Thursday, August 12, 2010


Hindi lahat ng magkarelasyon ay pinagtagpo para damahin ang kasiyahan, kadalasan pinagtagpo lang kayo sa tamang oras, lugar at pagkakataon, para matutunang lumaban at itama ang anu mang kamalian…

Sunday, August 1, 2010

"Pagninilay-Paano ka binago ng iyong pagmamahal??"


May mga bagay tayo na palagi nating naitatanung sa ating sarili kung bakit ba laging nangyayari.
Bakit kailangan dumanas ng hirap ng mga taong di naman karapat dapat sa kanilang nararanasan?
Kailangan ba na sa tuwing tayo ay magmamahal, kalakip lagi nito ay kalungkutan?
Ilang beses ba kailangan na magmahal at masaktan ng isang tao para lang matuto sa kanyang mga pinagdaanan?
Paano ba nating mahahanap ang tao na karapat dapat sa atin at mamahalin natin hanggang sa huli?
Paano mo panghahawakan ang mga pangako nyo sa isat isa?
Long distance Love Affair?..totoo ba na nangyayari ito?.at paano nalalaban ng nagmamahalan sa ganitong paraan ang mga tukso, pagsubok at unos na dumadating sa kanila?..
Kailan mo ba malalaman na ang tao mong minamahal sa kasalukuyan ay ang tao syang tao na makakasama mo habang buhay?
Sadyang napakamisteryo ng Pagibig, may mga bagay na akala mo un na at may tao na akala mo sya na, pero hindi pa pala. Sa oras na ito masaya ka at ngiti ang nakikita sa iyong mga labi, subalit sa paglipas ng sandali..Luha naman ang kapalit! Mahirap bang sabihin sa isang tao ang iyong tunay na nararamdaman sa una ninyong pagkikita?..kailangan ba na magkunwari para lang sa makuha mo ang hinahangad mong pagmamahal?..Sa umpisa aminin natin na pisikal ang unang bagay kung bkit mo nagugustuhan ang isang tao, kasunod nito ay ang paguugali, ang kanyang common sense, ang kanyang pamamaraan!
Sabi nila bakit mo pa patatagalin ang isang bagay kung dun din naman kayo patutungo.
Mahirap isipin at kalkulahin ang mga bagay na nasa ating isipan lalo na ang mga bagay na ating nararamdaman. Mata ang nakakakita pero puso ang nakadarama, Sundin daw ang puso at hinding hindi ka nito ililigaw. Pero ang katanungan, susundin mo pa din ba ang tinitibok ng puso mo kung ang isip mo ay bumubulong na tama na, at masakit na. Sakripisyo, unang kataga na bumabalot sa salitang pagibig. sakripisyo na handang isuko ang lahat para lang maramdaman ang ninanais, sakripisyo na kadalasan ay sumisira din sa iyong pagkatao, sakripisyo na umuubos sa iyong pride. Hanggang kailan mo ipagpapatuloy na magsakripisyo para sa tao mong minamahal?. Hanggang kailan mo isasakripisyo ang iyong pagkatao para lang manatili sa iyo ang taong iyong minamahal? Masakit, malungkot, nababalot ng puot at pasakit ang tunay na pagibig. Ganyan ang paraan ng tunay na pagmamahal. Nuong bata tayo naalala nyo ba yung una ninyong pagsakay sa isang bisikleta?.may mga oras na kaw ay nabubuwal at sa iyong pagkakabuwal ikaw ay tatayo at ipagpapatuloy ang pagaaral ng pamimisikleta , may oras na humihinto ka para makakuha ng bwelo, nagpapatulong sa isang kaibigan para ikaw ay anu mang hirap na iyong dinaranas ay may kasama ka, at kadalasan tayo ay nasusugatan,may mababaw at may malalim na sugat. Sa pagibig kailangn ba ganun din?. Kailangan mo pa ba na masaktan para matuto?.kailangan mo pa bang madapa ng ilang beses para masabing ikaw ay natuto na, Kailangn mo pa bang masugatan para lang maramdaman ang sakit na idinulot nito at magising sa katotohanan?. Mahirap unawain, mahirap isabuhay, mahirap kalimutan, mahirap matuto, mahirap bumangon kung lugmok ka na sa sakit na iyong nararamdaman. Lahat tayo nagmahal at nagmamahal, sa ating pagmamaneho sa byahe ng buhay, ang minsan na pagkakadapa ay sapat na, lakas ng luob, tiwala sa sarili, tapat ng pagmamahal, at dasal sa Poong Maykapal ang kailangan para makamit ang pagmamahal na ating minimithi sa buhay.
Sadyang malaro ang buhay, maraming mga bagay sa isang hudyat lang ay maaaring magbago. Madali ang magmahal subalit ang mahirap ay ang makahanap ng tao na karapat dapat pagkalooban ng pagmamahal.. Madaling magmahal subalit mahirap panghawakan, mahirap pangalagaan. Minsan natatapos na lang ang isang relasyon sa isang masaklap na kaganapan, dahil sa mga maling desisyon na ating ginawa at pinanghahawakan. Maraming pagbabago ang dumadating sa ating buhay, maraming mga tao ang ating nakakasalamuha, mas may lamang sa pisikal na aspeto, mas mayaman, mas edukado, mas may dating. Tao tayo at kasama tayo sa mga bagay na nakakaramdam ng pagbabago, halo halong emosyon at damdamin. Minsan dahil sa kakulangan ng mga bagay ng iyong minamahal, natutukso ka na humanap ng tao na makakakitaan mo ng bagay na yun at sa sandaling makuha mo na ang bagay na iyon, itatapon mo na lang at kakalimutan ang iyong minamahal dahil lamang sa ganung kababaw na dahilan. Bkit di mo subukan na tingnan, suriin at damhin ang mga bagay na mayroon sa iyong minamahal, ang kanyang tapat na pagmamahal, pagaalaga, tiwala, respeto sa iyo na kanyang ibinigay mula ng kayo ay nagkakilala. dahil lang ba sa iilang bagay na kanyang pagkukulang ay iyo na lang syang iiwan?. Maling desisyon ng buhay, sa isang desisyon maaaring lahat ay magbago.
Sadyang napakahirap pumasok sa isang relasyon, napakadaling magmahal, napakadaling ibigay ang tiwala, pero sa sandaling ikaw ay masaktan bakit sadyang kay hirap kalimutan. Napakaraming katanungan subalit iilan lamang ang tumpak na kasagutan. Sarili lang natin ang makakasagot ng mga bagay ding ito, di mahalaga na ituro at ipaalam sa atin kung paano malalampasan at malalaman ang tunay na kahulugan ng pagibig,. Panahon na lang din ang makapagbabago ng mga bagay na ating naranasan! Ang mahalaga sa bawat oras ng iyong pagkakadapa ay patuloy ka pa ding bumabangon, lumalaban! Ang pagsuko ay isang pagpapakita ng kaduwagan, hindi masama na maglaan ng sakripisyo at hamunin ang panahon para sa iyong mga ninanais. Hindi masama na subukan muli, magpakita ng tapang, tatag ng luob, tiwala sa sarili para makamit ang iyong minimithi. Iwaksi ang takot, timbangin ang mga bagay, di masama na sundin ang tinitibok ng puso, subalit lagi paring ikonsidera ang binubulong ng iyong isip. At maglaan ng oras na kausapin ang nasa taas, ang Poong Maykapal para maliwanagan at magkaroon ng gabay.