Paano mo paghandaan ang isang bagay na maghahatid sa iyo sa rurok ng tagumpay?
paano mo pagplanuhan ang sa bawat oras ng dumadaan?
Gaano kalakas ang paninindigan mo sa sarili na iyong nararamdaman na ikaw ay handa na sumabak sa isang digmaan?
Kaalaman sa sarili na kaloob ng Poong Maykapal, handa mo bang ibahagi sa mga kasabayan na nangangailangan?
Pakikisama sa kaibigan ay sa sariliy napatunayan bang may katotohanan?
at pag tawag sa Itaas ay taos ba sa pusoy nagmula, o sa oras lamang ng pangangailangan sa Kanyay lumalapit lamang?
Madaming katanungan, pagninilay at mga nararapat na kasagutan dapat malaman...
hindi sapat na lumaban sa isang digmaan na may dala lamang baril at bala, na gagamitin para makaligtas at mapagtagumpayan ang isang laban..
bagkus sapat na kaalaman para paganahin ang dalang sandata kinakailangang malaman, pagaralan ang kilos ng kalaban, at matimtimang pagplaplano sa bawat hakbang ay dapat isakatuparan..
Hindi lahat ng bagay iyong maiintindihan kung sa iyo lamang ito ay ipararating at ikaw ay pagsasabihan,..
bawat bagay na lingid sa kaalaman ay iyo lamang malalaman kung sa sarili ay iyong naranasan..
Sa bawat pangyayaring di mo inaasahan,
pagkabigla marahil o kalungkutan man o kasiyahan ay tiyak na iyong mararamdaman...
Sa bawat pangarap na iyong pinaghihirapan, sa sandaling kabiguan ang sa iyo ay lumapit,
sadyang mahirap tanggapin higit pang ito ay alay sa mga taong sa paligid ay nagbibigay ng suporta,
kalinga at inspirasyon...
ang hagupit ng pagsubok marahil sa sandaling iyon ang sa iyoy kaloob...
pagsubok na hahamon sa tibay ng iyong kalooban at pagsubok na magpapamalas ng damayan ng isang pamilyang buo, nagmamahalan at nangakong walang iwanan...
Ang pagsuko ay isang pagpapakita ng kaduwagan,
hindi ko pa man naranasan ang isang pagkabigo sa isang inaasam,
aking nararamdaman ang hinayang at pagkasawi ng mga kaibigan sa isang pangarap na datiy akin ding inaasam...
mga kaibigan na kapatid na ang turingan..na aking nakasama sa tawanan, bahaginan,
at tindi ng pagaasam sa isang pangarap na nakalaan para sa mga pamilyang iniwan upang paghandaan ang isang laban..
Isang opinyon na sa aking isip ay namutawi..Yabang at inggit dapat ipairal,
yabang na magdudulot sa iyo ng pagaasam na makamit ang isang bagay..
yabang na iyong matutuklasan sa sariliy kinakailangan..
SUBALIT ito ay yabang na pansarili lamang na hindi takda o nararapat ipakita sa karamihan...
ingit na sa sariliy panindigan, na isang paniniwalang maghahantung sa katagumpayan..
pagkaingit sa isang hinahangaan na magbibigay ng sa sarili ng isang malalim na pagaasam..
Subalit ito rin ay inggit na di dapat magdulot ng kaguluhan o away sa kaibigan..
Hindi lahat ng nauuna ay patuloy na nagtatagumpay,
lamang pa ang siyang nakaramdam ng kabiguan sapagkat tatag ng damdamin ay nasilayan.
Pag-ani ng batikos, pangungutya marahil ay naranasan,
gamitin itong sandata upang sapat ang tapang sa pagharap sa isang digmaan...
Panalangin ay isang sandata sa lahat ng bagay, kabiuay palaging nariyan,
upang ikaw ay subukin at bigyan ng panahong pagisipan kung anu ba ang mga kakulangan...
Hindi lahat ng bagay ay puro simula o palagi ring katapusan,
sa sariliy iyong pagnilayan, at iyong pagisipan ang sagot sa katanungang...
"Ano nga ba ang aking kakulangan?"..
No comments:
Post a Comment