Ang buhay parang isang iskwelahan, may mga subjects, madaming exams na kung minsan pasado, minsan bagsak naman. May mga guro na nagsisilbing magulang, mga kaklase na kapatid ang turingan. Madaming pagsubok na dinadaanan, madaming lugar na pinupuntahan, at mga bagay na araw araw ay kailangan malaman.
Di importante ang mapasali sa mga nakakaangat ng estudyante o honor kung maturingan, mahalaga na sa bawat araw ng pagpasok, bawat hakbang patungo sa paaralan, mawat leksyon na pinagaaralan ay sa sarili ay natututunan.
Sa paglipas ng madaming araw, sa mabilis nitong pagdaan, di natin namamalayan na ang mga araw ay nabibilang na lang. Panibagong daan na tatahakin, panibagong landas na dadanasin ay nakalaan sa bawat isa, lahat ng ating mga natutunan sa ating minamahal na paaralan ay kinakailangan ng magamit sa sariling buhay upang malamapasan ang hamon ng totoong buhay.
Ang tao minsan maihahalintulad mo sa isang sasakyang pampasahero, na kinakailangan na madaming rutang dadaanan, at pupunuin ng pasahero dyipning iyong minamaneho upang sa gayon katumbas nitoy kita na tutulong sa pagtataguyod ng iyong pamilya. Di masamang maghangad ng sobra subalit kailangan ding ikonsidera na ang mga bagay na sa sarili ay kailangan malaman, at mainitindihan. Magimpok ng kaalaman at karanasan upang sa mga darating na panahon, ang pasada ay tuloy tuloy at ang kita ay lumaki at sumapat sa iyong pamilya.
No comments:
Post a Comment