Tarantado, loko-loko, isang arkitektong sa ngayon ay walang proyekto..lols..
Uupo, tatayo, minsan ay nakatalungko, pwestong di mo namamalayan ay para ka nang gago.
Mason, karpintero, electrician, labor, mekaniko, inhinyero at arkitekto, mga taong iba iba, may ugaling kanya kanya, level na iba ibang antas, at pagkataong marahil ay ay maguguluhan ka, ito ang mga taong sa araw araw ay kasama ko. May mabait, may tarantado, may loko loko, babaero, lalakero, gimikero, maging sira ang ulo!
Propesyonal ang samahan kung harapan, pero laglagan ang labanan kung talikuran, may mga panahon na di mo namamalayan trabahong sa iyo ay ibinigay ay mawawaka na gayun na lamang dahil sa sumbong na iilan na wala sa lugar at walang nilalaman.
Tsismis at balita, malaking pagkakaiba, balita na tapat at totoo, tsismis na kuro kuro, gawa gwa at isang mapanira ng pagkatao, sa mundo ng propesyonal di mo aakalain ay puno na bulok at nagpapakitang tao. Pride at ego ang labanan, di expertise o nalalaman!
Crab Mentality, at pulitika di talaga nawawala, hahatakin ang iba pababa upang katayuan at upuang hinahangad ay makuha sa madaling pamamaraan, Matanda sila, bata ka. Wala ka ding laban sa kanila, pero matalino ka, bobo sila, mangatwiran ka kahita nasa tama ka, lalabas pa din na mali ka.
Prangka, diretso ang bibig di natatakot gang nasa katuwiran at katotohan, isang ugali marahil na aking pinangangalagaan at kung minsan ay pinagiisipan kung dapat bang baguhin. Misinterpretation, ano ba yang parang interpretation?..na kailangan mong paliwanag bawat salita upang maintindihan ng lahat ng madla. "tauhan kita kaya karapatan mo ay limitado at kailangan ay reportado". Pagiisip ng iba na sa boss ko ay di mo makikita. Nakakahiya lang kayo dahil ugali nyo ay gago, na parang sira ang ulo na walang alam gawin sa mundo kundi ang manggulo.
Mababang loob, isang ulirang ama, at amo..mahirap sabihin, mahirap magpasalamat ng diretso, pero lahat ng narating ko boss ko ang katulong ng nanay at tatay ko.
No comments:
Post a Comment