Tuesday, August 23, 2011

Karamay

Un tipong wala kang magawa dahil wala ka ng choice, un bang tatambay na lang kung saan dahil di mo alam kung pasasaan, at ung mapapasigaw ka na lang ng di mo namamalayan dahil may inip at lungkot kang naramdaman. Mahirap man kailangan pilitin, kailangan kumayod, kailangan magsumipag, magtyaga at kumita para sa pamilyang mahalaga sa iyo at dahilan ng buhay mo.
Gigising, babangon, maliligo, magbibihis, papasok sa trabaho, pagkatapos ng trabaho uwi ng bahay, tatambay, manunuod, magpapalipas ng oras, matutulog...Araw araw na buhay sa isang lugar na malayo sa pmilya, malamang bawat isa may oras na nararanasan ang magisa, at walang makasama.
Magandang trabaho, mapagmahal na pamilya, mababait at maaasahang mga kaibigan, exam na ipinapasa sa tuwing kukuha, lahat na ata naibigay na ng Diyos sa akin ang mga bagay na hinihiling ko di lang para sa sarili ko kung lalo na sa pamilya ko. Loner, nagiisa, inilalayo ang sarili sa iba, mellow dramatic person, passionate, outspoken, mga salitang dayuhan na marahil katumbas ng aking pagkatao.
Matalino, gwapo, propesyonal, edukado, mabait, may takot sa Diyos, mga salitang binibitawan ng ibang tao sa tuwing nakakausap ko. Masaya sa mga papuring ibinibigay, proud dahil masaya din ang aking nanay at tatay, pero pag dating ng gabi, sa aking higaan di ko maiwasan na maluha, maghanap, mangapa, at magtanung kung ano ba ang dahilan ng pagiisa, kung bakit sa katayuan kong ito'y walang nagmamahal at makasama.
TAkot akong lokohin, masaktan, ito ba ang mga bagay na pumipigil upang aking hanapin ang kapalaran?. Ang mata daw natin ay parang katawan, na sa tuwing napapagod ay pinagpapawisan. HIndi ko ninais na madala dito sa lugar na liblib at malayo sa kabayanan, ang sa akin lamang ay tanggapin ang trabahoo at responsibilidad na iniatang. Maraming trabahong inaalok, maraming pagkakataon na ibinibigay, subalit mahirap iwanan ang isang bagay na utang na loob ang natanggap at natuklasan.
May plano ang Diyos, ang tanung ko ay ano?..Ano sa ganitong pagsubok na binibigay ay dahilan ba Nya upang maging handa lang ako sa mga darating pang mga araw. Bawat isa sa atin ay ipinanganak ng may tungkulin nang nakatatak sa ating isipan at pagkatao, bawat bagay ay di nangyayari ng di mo inaasahan, ito ay nakaukit sa iyong kapalaran, Marahil sa iyong buhay may lungkot lumbay, pagiisa ay sadyang mahirap, pero kung sa ispan at puso ay may mga taong nakalaman, anumang pagsubok, lungkot, at pagkainip na nararamdaman ay tiyak na malalampasan.

No comments:

Post a Comment