Lahat ng tao may special someone na pinapahalagahan sa buhay, kapag naiisip natin ang taong ito nararamdaman natin ang pagbilis ng tibok ng ating puso..Gusto kita o mahal kita, mga salitang mahirap sabihin kung totoo ang nararamdaman, bagay na inuunahan ng takot at kaba, bagay na may halong kilig at surpresa. Subalit hahayaan mo pa bang mawala ang iyong special someone at mag-antay ng matagal na panahon o mahuli na ang lahat bago mo sabihin.."MAHAL KITA, PWEDI BA MAGING TAYO NA?"
First love never dies, yan ang sabi ng iba, bagay na walang katiyakan kung totoo nga ba o gawa-gawa lang ng iba.
Elementary, High School, o College, maging nagtratrabaho ka na o may sariling kompanya, lahat marahil nakaramdam na magmahal ng totoo, ung taos sa puso, ung handa kang masaktan, handa mo syang ipaglaban, un kaya mong ibigay ang lahat, binago ka at ginawang isang mabuting tao, ung tipong gagawin mo ang lahat makuha lang ang atensyon nya at maglaan ng sapat na oras para maipakita ang kahalagahan nya. Ito ung iilang bagay na marahil ay nagagawa mo dahil sa isang tao, tao na inaalayan mo ng iyong buhay, ng tapat na pagmamahal at ng oras mo.
Tameme at torpe, dalawang salita na kakatawan sa isang taong taos sa puso ang pagmamahal na nararamdaman para sa isang tao. Galaw o gawi ng tao na nararansan mo kung sakaling magtatapat ka ng iyong nararamdaman. Ako marahil hanggang ngayon ganito ako, walang imik, di makapagsalita at parang naninigas ang katawan dahil sa kaba o takot na sabihin sa isang tao ang aking lubos na pagmamahal at lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Bente singko anyos na ako subalit patuloy pa ding inaantay ang tao na mamahalin ko at magmamahal ng kung ano ako, ang pangit na parte ng aking pagkatao. Marami dyang pwedi, maraming tila wala kang itulak kabigin, maganda, edukada, propesyonal, may matino at kinikilalang pamilya, pero kung ang isip ay natuturuan, ang puso ay hindi kailanman, handa akong maghintay, handa akong masaktan gawa ng mga taong walang alam nag win sa buhay, handa akong makipagsapalaran para lamang antayin ang taong laman ng aking puso at isipan.
Lilipas ang oras at mga araw, nagbabago ang panahon, bawat sandali ay parang di mo namamalayan na nagdaan na pala ng ganun na lamang kabilis. Hindi mo maiisip na ang bawat segundo o minuto na lumilipas ay ang mga pagkakataon na dapat aminin mo ang iyong nararamdaman, di mo napapansin na ang nasasayang ang panahon at pagkakataon at magsisisi at manghihinayang ka na lamang kung dumating ang oras na nagkaroon ka na ng lakas ng loob ay saka naman hindi na akma ang pagkakataon, na may mahal na pala siyang iba.
Magmahal ka lang ng isa hindi dalawa talo, apat o lima. Marami kang makikita na katulad ng misis mo, kamukha ni mister mo, o minsan naman kaya ay higit pa sa kinakasama mo. Subalit ang totong saya at ligaya na hinahap at kinakailangan mo ay mararamdaman at iyo lamang mararanasan sa taong inilaan sa iyo sa taong parng first love mo na minahal mo ng totoo. Ang pinagtagpo ng Diyos at pinagsama ng simbahan kailanman ay di maaring paghiwalayin ng tao. Isang kautusan na binabalewala, isang paniniwala na marahil ay burado na sa kaisipan ng bawat isa.
Nagmamahal tayo subalit nasasaktan, kasama yan sa buhay ng isang tao sapagkat hindi ka kailanman matututo kung lahat ng bagay na alam mo ay puro ligaya at pag-asa, minsan kailangan natin na maramdaman ang dulot ng mga kamalian, ang gawa ng iyong katangahan at ang iyong patuloy na paghahanap at pagtangkilik sa mga makamundung bagay.
Pilipino isa sa mga maemosyonal o maramdamin na tao sa mundo, o sadyang alam lang natin pakibagayan ang lahat? o di kaya naman, nauugnay ang ating buhay sa mga bagay na nakapaligid sa atin?, sa mga bagay na napapanuod at napapakinggan natin.
Bata, binata, dalaga o matanda, iisang tao lang ang totoong tinitibok ng ating puso, ang taong ito ay ang siyang nakalaan para sa bawat isa, wala naman pintig ang puson, puso ang nagmamahal, wag kang patalo sa tawag ng laman at ng katawan.
Libog at pag-ibig malaki ang kaibahan, Nalibugan ka gawa ng tawag ng laman at ng katawan, pero nagmamahal ka gawa ng pinagkaisang layunin ng iyong puso at isipan.
Ang pagtalikod sa isang responsibilidad ay pagpapakita ng kaduwagan at kakulangan ng paninindigan. Ang pagsuko sa isang bagay na di pa nasisimulan ay nagpapakita ng sapat na kaalaman sa isang bagay na wala ka pang kahandaan at karanasan. Bawat isa sa atin ay iba iba, may kanya kanya kuro-kuro, opinyon at sinasabi, iba iba ang nasa kaisipan at pagkatao, at iba iba ang pinagdaanang karanasan. Subalit may dalawang tao pa din na pagtatagpuin ng tadhana, tadhanang magtututo sa kanila ng tunay na kahulugan ng pagmamahal, may oras na masasaktan, may oras na mawawalan ng pag-asa, mga oras na mararamdaman mo na lamang ikaw ay nag-iisa, subalit di naman tayo nilalang ng Diyos para mabuhay sa ganitong pamamaraan, tayo ang gagawa ng gating kapalaran, maraahil ngayon ikaw ay nahihirapan na sabihin sa special someone sa iyong buhay kung gaano mo sya kamahal, kung gaano binago ng taong ito ang iyong buhay. Lakas ng luob, tiwala sa sarili, katotohanan ng iyong pakay at kahandaan sa mga bagay na maaring mangyari ang maari mong gamitin upang yang daga sa dibdib mo at paru-paro sa tiyan mo ay mawala, bagkus mapalitan ng isang maliwanag na ilaw sa iyong kaisipan at init ng pakiramdam sa iyong damdamin ang kailangan mo upang Matamis niyang OO ay makuha mo…..
First love never dies, Totoo sa karamihan at hindi naman sa iilan, may mga tao lamang na kanila lang naramdaman ang wagas ng pagmamahal sa unang pagkikita. Pagmamahal na di maamin, itinatago upang isakripisyo ang kagustuhan ng iba, minsan pa nga ng iyong kaibigan. Kung totoo, tapat at wagas man ang inyong nararamdaman sa bawat isa marahil kahit pa may dumaang iba o pumwesto dyan sa puso mo, hindi kailanman mapapalitan ang nakaukit na sa iyong pagkatao..WAGAS at TOTOO, Ikaw ganyan ba ang naranasan mo sa FIRST LOVE mo?